8 Dimensyon Ng Pagpapahalaga????

8 dimensyon ng pagpapahalaga????

Answer:

Dimensyon ng Pagpapahalaga

1. Dimensyong Pangkatawan

  • Ito ay ang pagpapahalaga sa buhay na kaloob ng ating Panginoon.  

Gamit ng Katawan: brainly.ph/question/858251

2. Dimensyong Pangkaisipan

  • Pagpahalaga sa katotohanan  at kabutihang panlahat.

3. Dimensyong Moral

  • Ang pagkakaroon ng pagmamahal, paggalang at pagmamalasakit sa kapwa  

4.Dimensyong  Ispiritwal

  • Pagkakaroon ng paniniwala at pananampalataya  sa Diyos.

Kahulugan ng Ispiritwal: brainly.ph/question/1136597

5. Dimensyong Panlipunan

  • Paggalang sa katarungan, kapayapaan, kaayusan, at pagkalinga sa pamilya at salinlahi.  

6. Dimensyong Pang-ekonomiya

  • Tumutukoy sa kasipagan, pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran  

7. Dimensyong Pampolitikal

  • Pagkakaisa, kabayanihan, kalayaan, at pagsunod sa mga batas at patakaran ng lipunan.  

Pagpapahalaga (Values)

Ang values o pagpapahalaga ay nagdidikta at ginagamit na basehan sa paggawa ng mga pasya at desisyon sa buhay na nagmumula sa labas ng tao. Ito ang naghuhusga at nagdidikta sa tao ng tama at mali.  

Mahalagang magkakaroon ang isang tao ng magandang values o magandang pag-uugali at kaugalian sapagkat ito ang makakapagpabuti sa pagkatao ng bawat isa.

Kahalagahan ng Pagpapahalaga (Values)

  • Ang pagkakaroon ng moral values ay nagagamit natin sa pag-ibig, ang pagkakaroon ng pag-ibig sa kapwa, paggalang at pagmamalasakit.  
  • Nagkakaroon ng paggalang sa dignidad ng tao.  
  • Pagmamahal sa katotohanan at naglalayo sa anumang kasamaaan.  
  • Nagkakaroon ng katarungan t kapayapaan ng kalooban.  
  • Paggalang sa anumang pag-aari  
  • Napagbubuklod ang pamilya  
  • Nagkakaoon ng paggalang sa buhay  
  • Nagkakaroon ng kalayaan  
  • Nangingibabaw ang pagiging makadiyos  
  • Nagiging makatao  
  • Nangingibabaw ang paggawa ng kabutihan sa kapwa
  • Nahuhubog ang mabubuti at magandang kaugalian
  • Nahuhulma ang buong pagkatao

Dalawang Uri ng Pagpapahalaga (Values)

1. Pagpapahalagang Moral (Moral Values)  

  • Ito ay pangkalahatang katotohanan (universal truth) na tinatanggap ng tao bilang mabuti at mahalaga na matibay na nagbibigay ng importansya sa buhay ng isang tao.  

2. Pagpapahalagang Kultural na Panggawi (Cultural Behavioral Values)  

  • Ito ay mga pagpapahalagang nagmula sa loob ng tao.  
  • Ito ay maaaring pansariling pananaw ng tao o kolektibong paniniwala ng isang pangkat kultural.  
  • Kasama rito ang pansariling pananaw, opinyon, ugali at damdamin  

Para sa karagdagan pang Kaalaman , magtungo sa link na;

Ibig Sabihin ng Values o Pagpapahalaga: brainly.ph/question/797667  

Kahulugan ng Absolute Moral Values: brainly.ph/question/1094633  

#LetsStudy  


Comments

Popular posts from this blog

Ano Ang Ibig Sabihin Ng Anekdota

In What Way Can The Study Of The Different And Common Aspects Of Human Existence Contribute To Our Understanding Of Culture, Society And Politics?